Martes, Hulyo 24, 2012

Pagtaas ng presyo ng langis

Bakit patuloy na tumataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan?

-Dahil na rin siguro sa nangyayaring kaguluhan sa mga lugar ng gitnang silangan tulad ng Iran. Kaya ang ibang mga bansa ay hindi makabili ng langis.

Mga datos:
       Dapat maintindihan na ang mundo ngayon ay kontrolado ng uring kapitalista kung saan ang laging ninanais ay magkamal ng tubo. Pangalawa, lahat ng mga gobyerno sa daigdig ay kontrolado ng at nagsisilbi para sa mapagsamantalang mga uri.
Mula pa noong 1973 ay patuloy na ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Ang mga “pagbaba” ng presyo ay nilamon lamang ng ilang dekadang pagtaas ng presyo nito.
Mula pa noong huling bahagi ng 1960s ay nasa permanenteng krisis na ang pandaigdigang kapitalismo. Ang pagtaas ng presyo ng langis sa kasalukuyan ay epekto lamang ng tumitinding krisis ng sistema at hindi simpleng dahil sa pagiging ganid ng uring kapitalista sa tubo.
Dahil sa krisis ay mas lalong humina ang kapitalistang produksyon na siyang sentral na pinagkukunan ng tubo ng mga kapitalista. Sapagkat mahirapan ng makakuha ng tubo sa produksyon ay nagkasya na lamang ang mapagsamantalang uri sa ispekulasyon. Ito ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis. Ang pangingibabaw ng ispekulatibong ekonomiya ay manipestasyon ng malubhang krisis ng sistema.
Ikalawang dahilan ay ang kaguluhan ngayon sa Gitnang Silangan. Kaguluhan na hindi kagagawan ng masang anakpawis kundi kagagawan ng inter-imperyalistang digmaan at intra-paksyunal na bangayan ng mga pambansang burgesya na may kanya-kanyang among imperyalistang kapangyarihan.
Ikatlong dahilan ay ang pandaigdigang krisis sa utang na sumabog noong 2006-07. Ang lumalaking utang ng kapitalistang mundo mula pa noong 1970s ang mayor na dahilan ng inplasyon o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Samakatuwid, ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis ay ang wala ng solusyon na krisis ng pandaigdigang kapitalismo na nagsimulang sumabog noong huling bahagi ng 1960s.
Kongklusyon:
              Kung patuloy na tumaas ang presyo ng langis, tataas rin ang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan at tataas rin ang presyo ng mga bilihin.
Mga posibleng solusyon:
           Maraming paraan ang ginagawa ng gobyerno para hindi tayo gaanong maapektohan sa pagtaas ng presyo ng langis. Ilan sa mga ginagawa ng gobyerno ay ang pakikipag-ugnay sa pribadong sector sa pagtatanim ng jatropha at paghahanap ng makukunan ng langis sa loob ng bansa (oil explorations).
Ang bawat mamamayan ay makatutulong dito sa pamamagitan ng hindi pag-aaksaya ng koryente.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento